Ang limang haligi ng Islam


 5 HALIGI NG ISLAM 


Marapat sa atin bilang mga Muslim na kabilang sa mga una na ating dapat malaman ay kung ano ang mga Haligi ng Islam, higit na mahalaga itong malaman ng mga bagong Balik-Islam. 


Dahil sinasabi ng mga 'ulama na ang Islam ay siyang relihiyon na naitatag sa pamamagitan ng kaalaman, at ang kaalaman na ito ay mula sa Allah. 


قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: " بُنِيَ الْإِسْلَامُ عَلَى خَمْسٍ: شَهَادَةِ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللَّهُ وَأَنَّ مُحَمَّدًا عَبْدُهُ وَرَسُولُهُ وَإِقَامِ الصَّلَاةِ وَإِيتَاءِ الزَّكَاةِ وَالْحَجِّ وَصَوْمِ رَمَضَانَ " 


Sinabi ng Rasulullah s.a.w: Itinatag ang Islam sa Lima (5): Ang pagsasaksi na walang Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah at si Muhammad ay kanyang alipin at sugo, ang pagtindig ng pagdarasal, ang pagbibigay ng Zakaah, ang pagsasagawa ng Hajj o pagbisita sa bahay ng Allah sa Masjidil Haraam at ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan. 


Ating talakayin ang Limang haligi na ito. 


1️⃣- Ang pagsasaksi na walang Diyos karapat-dapat sambahin maliban sa Allah at si Muhammad ay kanyang alipin at sugo 


👉🏻 Ito ay tinatawag na "Shahadatayn" o pagsasaksi sa dalawa, ang una ay ang pagsasaksi ng tao na walang ibang Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah at ang pangalawa ay ang kanyang pagsasaksi na si Muhammad ay kanyang alipin at sugo. 


- ang kahulugan ng "Shahadah" ay pagsasaksi, at ang arabic ng "walang ibang Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah" ay ang "Lā ilāha illa Allah". Ang arabic naman nag pangalawang pagsasaksi ay "Muhammad 'abduhu wa rasūlu" o (Muhammad Rasulullah) 


👉🏻 Sa unang pagsasaksi, ang "Laa ilaaha illa Allah" ito ay tumutukoy sa pananampalataya o paniniwala ng tao patungkol sa lahat ng kakayahan ng Diyos. 


👉🏻Pag sinabing "Laa ilaha illa Allah" ay hindi lamang ito paniniwala na walang Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah, bagkus ito ay nangagahulugan rin ng paniniwalang: 


1- walang nagbibigay biyaya maliban sa Allah

2- walang nagbibigay gantimpala maliban sa Allah

3- walang nagbibigay ng sakit at nagpapagaling ng sakit maliban sa Allah

4- walang nagbibigay buhay at kumukuha ng buhay maliban sa Allah

5- walang pinaka makapangyarihan maliban sa Allah

6- walang pinaka malakas maliban sa Allah

7- walang nagbibigay ng lakas at kakayahan maliban sa Allah

8- walang pangangailangan ang Allah sa kanyang mga nilikha

9-  walang higit na pinaka maalam maliban sa Allah

10- walang nagtatakda maliban sa Allah

11- Ang Allah ang pinaka mayaman

12- Ang Allah ang nagsu-sustento

13- Ang Allah ang nagbibigay ng Yaman.

14- walang bagay na magaganap o mangyayari liban sa kapahintulutan ng Allah

15- Ang Allah ang siyang nakakakita ng lahat, nakaririnig ng lahat, nakakaalam ng lahat at siya ang may kakayahan sa lahat ng kanyang nilikha.

Maliban jan, ilan lamang yan sa mga obligado na dapat malaman ng isang Muslim at ng bagong Muslim sa kanyang paniniwala. 


Kung kaya't kasama ng paniniwala sa "Laa ilaaha illa Allah" ay ang pagbabawal o pagtanggi sa lahat ng mga maling kadahilanan, katulad na lamang ng mga pamahiin. 


👉🏻ang pangalawang pagsasaksi, na si "Muhammad" ay alipin at sugo ng Allah. 


👉🏻 Kabalikat ng paniniwala na si Muhammad ay alipin at sugo ng Allah, ay ang paniniwala na siya ang pinaka huling propeta o "seal of the prophets". Liban sa kanya ay wala ng propetang darating na maghihikayat magpapalaganap ng aral na may dala-dalang panibagong aklat. 


Dahil siya ang pinaka huling sugo at ang Quran ang siyang pinaka huling aklat, hindi ito mababago. 


Kasama rin sa paniniwala rito ay ang paniniwala at pagtanggap sa ano mang sinabi ni Propeta Muhammad s.a.w, maging ito man ay pahayag mula sa Allah na siyang Quran, odi kaya ay ito ay kabilang sa kanyang salita, kilos at utos (Sunnah). 


Sinabi ng Allah ang patungkol sa Nabi s.a.w: 


وَمَا يَنْطِقُ عَنِ الْهَوَى  إِنْ هُوَ إِلا وَحْيٌ يُوحَى

At Hindi siya magsasabi ng galing sa kanyang sariling pagnanasa, sapagkat ang ito ay kapahayagan na ipinahayag sa kanya. 


Ang mauunawaan sa talatang ito, walang sinasabi ang Nabi s.a.w na galing sa kanyang sariling pagnanasa, lahat ito ay kapahayagan sa kanya, at ang kapahayagan sa kanya ay sa 3. 


1 - Quran - kapahayagang aklat mula sa Allah.

2- Hadith Qudsi - kapahayagan mula sa Allah ngunit hindi kabilang sa Quran.

3- Sunnah - kapahayagang "tawfiq" o may mabuting pag-unawa ang ibinigay sa kanya ng Allah at sa kapahintulutan ng Allah ay kanyang nasasabi ang mga bagay bagay. 


👉🏻 ang Sunnah ay siyang sinabi, pamamaraan, isinagawa, ipinag utos ng Propeta Muhammad s.a.w. 


📍Huwag kalimutang i share ang post na ito upang makakuha ng biyaya.


#Part_1

Source: 

✍🏻Abu Talha or you may click this url: 

https://resala-academy.com/the-ultimate-guide-to-the-5-pillars-of-islam/

Comments

Popular posts from this blog

How to read arabik letters

May isang lobo na nasa gitna ng kamatayan

Ang kahalagahan ng limang obligadong pagdarasal