Five Pilars of Islam/ANG LIMANG HALIGI NG ISLAM AT PAG SHAHADA NG BAGONG MUSLIM .
ANG LIMANG HALIGI NG ISLAM AT PAG SHAHADA NG BAGONG MUSLIM .
Five Pilars of Islam .
DHALEEL
LIMANG HALIGI SA ISLAM
1.Shahadah (Ang Pagsaksi o Panunumpa).
-Ako ay sumusumpa na walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah (swt) at ako ay sumasaksi na si Propeta Muhammad (saws) ay Propeta at mensahero ng Allah (swt). At ako ay sumasaksi na si Propeta Hesus (as) ay Propeta at mensahero ng Allah (swt).
Qur'an (3:18 )
2.As — Salaah (Ang Limang (5) Obligadong Pagdarasal).
-Ang limang obligadong pagdarasal ay katulad sa isang bahay na may umaagos na bukal sa harapan at limang beses kang maliligo sa maghapon, katiyakan na walang dumi ang kakapit sa katawan. Ang isang Muslim na isinasagawa ang Salaah at may tamang wudu' (ablusyon), ang kanyang maliliit na kasalanan ay patatawarin ng Allah (swt). Ang Salaah ay siyang unang itatanong ng Allah (swt) sa Araw ng Paghuhukom. Kung ang pagdarasal ng tao ay tama, ang kanyang mga gawa ay magiging tama din. Ang kaibahan ng isang mananampalataya at hindi mananampalataya ay ang Salaah. Ang Salaah ay isang obligadong gawain ng mga Muslim na nasa tamang edad at matino ang kaisipan.
Qur'an (29:45)
3.As-Zakat (Ang pagbibigay ng Obligadong charity o kawanggawa).
-Ang pagbibigay ng obligadong charity o kawanggawa ay tungkulin ng isang Muslim kapag mayroon siyang sapat na ipon, ngunit kung wala naman, katunayan siya pa ang dapat bigyan. May batayan ang pagbibigay ng kawanggawa sa Islam. Kapag ang isang Muslim ay may naipong yaman at umabot sa halagang 85 gramo ng ginto at hindi niya ito
nagagalaw sa loob ng isang taon, siya ay obligadong magbigay ng dalawa at kalahating (2.5%) bahagdan ng kanyang naipon.
Qur'an ( 9- 60)
4.As- Sawm (Ang Obilgadong Pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan).
-Ang mga Muslim na may sapat na edad, matino ang kaisipan at walang karamdaman ay obligadong mag-ayuno sa buwan ng Ramadhan sa 100b ng 29 0 30 na araw, mula bukang liwayway hanggang takipsilim. Ang ibig sabihin, bago dumating ang bukang liwayway, ang mga Muslim ay dapat kumakain at umiinom ng sapat lamang. Magsisimula ang kanilang pag-aayuno kapag tumawag na ng Adhan (panawagan sa pagdarasal) at magsisimula na ang kanilang pagpipigil, pagtitimpi at pag-iwas sa anumang pagkain o inumin hanggang sa panawagan ng Salaah ng Maghrib (sa pag lubog ng araw). Hindi nagpapagutom ang mga Muslim tulad ng inaakala ng ibang tao at ang pag-aayuno ay hindi bagong batas ng Allah (swt), bagkus ito ay batas na noong panahon pa ng mga naunang Propeta tulad ni Propeta Moses (as) - na siya ay nag-ayuno ng 40 araw at 40 na gabi at ganoon din si Propeta Hesus (as).
Qur'an (2-183)
5.Haj (Ang palalakbay patungong Makkah)
-Ito ay ang paggunita ng pag-alay ni Propeta Abraham (as) ng kanyang kaisa-isa at unang anak kay Hagar o Hajaar na si Propeta Ismael (as) ayon sa kahilingan ng Allah (swt). Ito rin ang taunang paglalakbay na isinasagawa ng mga Muslim at dapat gampanan minsan lamang sa buong buhay. Nararapat din na ang isang Muslim na magsasagawa ng Hajj ay may sapat na perang gagastusin sa kanyang paglalakbay at sapat na halagang iiwanan sa kanyang pamilya habang siya ay nasa paglalakbay. Gayundin, siya ay dapat na may matinong kaisipan at malakas ang pangangatawan. Ito ang mga kondisyon na dapat gampanan ng isang Muslim upang ang kanyang paglalakbay ay magiging -katanggap-tanggap sa Allah (swt).
Nawa'y pagpalain tayo ng Allah (swt) at igabay sa tamang landas hanggang sa Araw ng Paghuhukom.
Maraming salamat sa inyong pakikinig at magandang araw sa Iahat.
Qur'an (3-97)
Sources: Qur'an
Comments
Post a Comment