Isang kwento Nangako sa Isa ngunit sa iba nagpakasal
May Ikukwento Ako Sa Dalawang Tao Nangako Pero Sa Iba Nagpakasal Basahin Hanggang Dulo
Hintayin mo lang ako dahil babalikan pa kita at pakakasalan.
Huling salitang nabanggit nya sakin na tila'y napaka gandang pakinggan. Bago sya umalis inamin nya yung nararamdaman nya saken at ganun din ako, aalis kase sya dahil mag aaral sya sa ibang bansa at sabi pa nya sa'kin “Sana'y pagbalik ko'y walang magbabago sa pagtingin mo sakin, kung gaano mo man ako kamahal ngayon ay sana'y ganoon din sa pagbalik ko”. Hindi naging kami pero totoo ang nararamdaman ko sa kanya, alam naming mali ang pumasok sa haram relationship dahil malaking kasalanan ang makukuha namin kaya nag decide kaming mangako sa isa't-isa. Magka klase kasi kami nung elementary kaya naging close na kami kaso habang tumatanda na kami iniiwasan na namin ang isa't-isa.
Araw ng Jum'ah kaya pumunta ako sa masjid para mag Salah at nakasalubong ko sya pero I lower my gaze at ganun din sya, yun din yung araw na aalis sya papuntang ibang bansa para mag aral.
Habang wala sya nag fofocus ako sa pag aaral ko sa madrasah kasama ang kaibigan kong si Aya. Maraming lalaking namanhikan sakin pero nireject ko ito dahil may pinangakuan akong lalaking pakasalan.
Kinukwento ko minsan sa bestfriend kong si Aya tungkol sa pagtingin ko kay Hussain (yes his name is Hussain). Pero never kong binanggit ang name ng guy sa bestfriend ko puro unknown lang sinasabi ko haha. “Ako pipili ng gown mo kapag malapit kanang ikasal” pabirong Sabi ni Aya.
After Half a year nagpaalam din sakin si Aya na aalis dahil gusto syang pag aralin ng parents nya sa ibang bansa kaya sobrang nalungkot ako dahil alam Kong matagal tagal pa bago kami magkikita ulit.
Focus parin ako sa pag aaral ko hanggang sa kinuha nila ako para maging ustadha. Pinagbuti ko ang pagtutoro ko sa mga mulit ko.
After 2 yrs. Namiss ko bigla si Hussain at ang bestfriend kong si Aya “Kailan pa kaya sila babalik dito”bulong ko sa sarili ko. Nalulungkot ako minsan dahil wala si Aya sa tabi ko, mula kase nung umalis sya madalas nalang akong pumupunta sa favorite naming coffee shop.
4 years na ang nakalipas tumawag sa'kin ang Kapatid ni Aya dahil uuwi nadaw sya at gusto nitong samahan ko ang pamilya nya para sunduin sya sa Airport. Habang nasa way na kami ini-imagine ko kung ano na ang mukha ni Aya, may nagbao ba sa kanya? Hyst sobrang miss na miss ko na kase sya 4 yrs na kaming hindi nagkikita.
Hanggang sa nakarating na kami sa Airport at biglang may tumawag sa'kin ng.... Fatimaaaaa! “wow Mashaallah napakagandang boses ngunit sino kaya yun? Lumingon ako sa likod at may nakita akong babaeng naka niqab na tila'y papalapit sa'kin at niyakap ako sabay sabing “oh bakit? Hahaha maaf ako nga pala ito ang pinaka maganda mong bestfriend sa buong mundo” pabiro nyang Sabi sakin. (Hindi ko sya agad nakilala dahil nung umalis sya ng probinsya ay wala itong suot na niqab ) . Mashaallah aking pinaka mamahal na kaibagan ang laki ng pinagbago mo hyst gusto ko rin balang araw makakasuot din ako ng niqab kagaya mo, “Pinasuot kasi ito sa'kin ng zawj ko dahil ayaw nyang may mafitnah ako hahahaha. Ano??! Asawa? Nagbibiro kaba Aya?. Pagulat kong tanong sakanya “Nako hindi, Maaf mahal Kong kaibigan hindi ko ito nabanggit sayo nung nasa ibang bansa ako hindi na kase ako nakahawak ng cellphone simula nung nag aral na'ko kaya diko nasabi sayo na kinasal nako dun”anya nya sakin. Wait lang nasan ba ang asawa mo? Dimo ba sya kasama umuwi?, Kasama ko sya Fatima saglit lang at tatawagin ko, oh Habibi... Halika dito. "At lumapit nanga ang guy na asawa daw ni Aya, hindi ko kase napansin dahil nakatalikod sya kausap ang Abie at Ummie ni Aya...
Oh habibatie anong meron? Syanga pala habibi si Fatima kaibigan ko, Fatima si Hussain Asawa ko. H-hussain? Biglang kumabog ang puso ko at nangilabot ang katawan ko dahil ang asawa ni Aya ay Hussain ang pangalan at kapangalan ng lalaking minahal ko , I lower my gaze kase kaya diko nakita mukha nya kaya nung tiningnan ko si guy mula paa hanggang ulo nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha nya, Subhanallah! (Sabi ko sa sarili ko) ang lalaking pinaka mamahal ko na matagal ko nang hinihintay ay asawa na ngayon ng kaibigan ko. 🥺F-fatima! H-hussain (magkasabay naming sambit) teka magkakilala kayo? tanong ni Aya sa'min, Ah--ahhhh Habibi oo magkakilala kami sya nga pala yu....... Magkaklase Kasi kami ni Hussain nung Elementary palang kami kaya naging magkaibigan kami simula bata pa. (Hindi pa tapos magsalita si Hussain ay nagsalita nako, baka kase banggitin pa nya yung promises namin each other na hindi naman natupad ayoko naman na masaktan yung bestfriend ko, mas gugustuhin ko pang masaktan kaysa makita syang nasasaktan ng dahil sa'kin.)
Kitang-kitang ko sa mga mata ni Hussain ang pagkalungkot na may halong ngiti.
Sobrang durog na durog ako ng malaman Kong may asawa na ang matagal ko nang ipinag dudu'a at nangakong babalikan ako at pakakasalan. Nanghina ako mula sa kina tatayuan ko na tila ba'y parang binabagsakan ako ng langit sa sobrang sakit.
Nagpaalam nako sa kanila at umalis, pumunta ako sa lugar kung saan huli kaming nagkita at nag usap ni Hussain. Bakitt??? Bakit si Aya pa?! “sigaw ko habang umiiyak” hindi ko na kase kaya ang sakit na dinadala ko kaya iniyak ko nalang ito. “All of my life nireject ko ang mga lalaking gusto akong pakasalan dahil gusto kong tuparin ang pangako nating dalawa, pero bkit? Bakit dika tumupad sa pangako nating dalawa! (Tila'y para akong isang baliw na kinakausap ang sarili habang basang basa ng luha ang hijab at abaya ko)
Yung taong nangakong babalikan ako at pakakasalan ay asawa na ng bestfriend ko😭💔
ilang araw akong hindi lumabas ng bahay, hindi ko narin binisita si Aya dahil ayaw Kong makita nyakong luhaan, Si Aya lang kase ang comfort zone ko kapag nalulungkot o nasasaktan ako pero sa pag kakataong ito hindi ko pwedeng sabihin sakanya ang mga nararamdaman ko.
Makalipas ang ilang buwan nabalitaan Kong buntis na si Aya at bigla na naman akong nanlumo, ang ginawa ko ay Nag Salah ako at humingi ng tulong sa Allah s.w.t “Yaa Rabbi tulungan mo akong mawala ang sakit sa puso ko at patawarin ang lalaking nagdulot ng kalungkutan ko”(habang umiiyak)
At mula nun kinalimutan ko na si Hussain, nag focus ulit ako sa pagtuturo. Pinatawad ko nadin sya at kitang kita ko Naman na masaya silang dalawa.
Lesson learn:
“KAHIT GAANO MO PA KA MAHAL ANG ISANG TAO, KAHIT NANGAKO PAYAN SAYO KUNG HINDI TALAGA KAYO ANG INILAAN PARA SA ISA'T-ISA AY KAHIT KAILAN HINDING-HINDI YAN SYA MAGIGING SAYO. MATUTO SANANG TUMANGGAP NG QADAR NG ALLAH DAHIL SYA LAMANG ANG NAKAKAALAM KUNG SINO ANG PARA SA IYO. MINSAN SINUSUBOK TAYO NG ALLAH SA PINAKA MASAKIT NA PARAAN UPANG TAYO AY MATUTO.
jazakumullahu khairan🤍
Comments
Post a Comment