May pamahiin ba sa Islam

 HUWAG MO NG LUKUHIN ANG SARILI MO SA PANINIWALA SA PAMAHIIN❗❗


👉Ang lahat ng pamahiin ay pawang kasinugalingan at panliligaw lamang ni Shaitan sa tao at higit sa lahat ay isang uri ng pagtatambal kay Allah (Shirk).❗


👉Sinabi ng Mahal na Propeta:

"Ang TIYARAH ("pamahiin" superstitious belief in omens) ay kabilang sa Shirk.”  Ang Hadith ay Authentic ayon Kay Shaikh Albani


👉Sa ibang ulat na Hadith: “"Ang sinumang pinabalik siya ng masamang pangitain mula sa kanyang nais gawin, Katotohan siya ay nakagawa ng Shirk (pagtatambal)".


♦️♦️MGA KASINUNGALINGANG DULOT NG PAMAHIIN:


1- Pagsapit ng gabi: bawal daw bumili ng asin dahil ikaw daw ay maghihikahos, 


- Bawal daw magputol ng kuko dahil ito daw ay magiging kuko ng aso.


- Bawal daw magdala ng kumot o unan sa gabi dahil aagawin daw ng multo.


- Bawal magpagawa ng pinto na nakaharap sa kanluran dahil hindi daw sasagana ang buhay at marami pang iba..


👉 Sagot sa mga kasinungalingang na ito:


-Bumibili rin naman ng asin ang mga mayayaman dito sa Middle East pero hindi rin sila naghihikahos


-Kadalasan sila ay nagpapaputol ng kuko sa gabi pero di naman naging kuko ng aso.


-Namimili rin kami ng unan sa gabi ngunit kailanman hindi pa ito inagaw ng multo.


-Maraming mga Mansion na bahay dito na sa kanluran pa nakaharap ang pinto, ano masasabi mo rito??


MGA PAMAHIIN SA NEW YEAR:


-Naghahanda ka ng bilog na pagkain upang yumaman, Yumaman ka ba?


-Palukso-lukso kapa ng ilang beses upang tumangkad, Tumangkad ka ba?


-Magawa mo pang magpaputok o gumawa ng ingay upang itaboy si Shaitan, Lumayo ba talaga si Shaitan?

o diyan pa nanahanan sa bahay mo dahil natutuwa siya mga ginagawa mong pamihiin.


👉👉 TIGILAN NA NATIN ANG PANLULUKO SA ATING MGA SARILI. 


ANG PANINIWALA SA PAMAHIIN AY WALANG MAIDUDULOT NA MAGANDA KUNDI ILILIGAW KA LAMANG MULA SA MATUWID NA LANDAS AT MAWAWALA ANG IYONG PAGTITIWALA SA IYONG TAGAPAGLIKHA!


TANDAAN: 

♦️ Ang bilog na prutas ay walang kakayahan na magbigay sa iyo ng magandang buhay!


♦️ Ang Friday the 13th o anumang araw ng Biyernes ay isa sa pinaka mainam na araw na dapat ipagsaya ng mga Muslim!


حديث: : «الطيرة شرك، الطيرة شرك، الطيرة شرك" رواه أبو داود (3910) في الطب، والترمذي (1614) في السير وقال: هذا حديث حسن صحيح. 

و في رواية: "من ردته الطيرة عن حاجته فقد أشرك". وصححه الألباني في السلسلة الصحيحة برقم 1065 



Follow us

Facebook page

     https://www.facebook.com/profile.php?id=100063900705999&mibextid=ZbWKwL

You tube: 

     https://youtube.com/@HKTV7716

Instagram:

     https://instagram.com/khadijahjupiter2022


Comments

Popular posts from this blog

How to read arabik letters

May isang lobo na nasa gitna ng kamatayan

Ang kahalagahan ng limang obligadong pagdarasal