Kapag may isang taong nagpayo o nagpapaalala sa iyo, At itinutuwid ang kamalian mo, Wag ka magalit bagkos matuwa ka dahil isa siya sa mga nagmamalasakit at nagmamahal sa iyo.


Ang Allah ang hahatol sa bawat isa ngunit

Ang isang  mananampalataya ay responsibilidad niya ang magpapaalala.


🌵Huwag mong ibilang ang iyong sarili sa mga taong isinalarawan ng Allah  sa Qur'an na sa tuwing pinapaaalalahanan ay nangangatwiran pa.


Sinabi ng Allah swt sa Qur'an: 


وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ لَا تُفۡسِدُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ قَالُوٓاْ إِنَّمَا نَحۡنُ مُصۡلِحُونَ

11. At kapag sinasabi sa kanila: “Huwag kayong gumawa ng katiwalian sa kalupaan,” sila ay nagsasabi: “Kami ay mga tagapag-ayos lamang [tungo sa mabuting pagbabago].” *14


Al-Baqarah | Qur'an 2:11


أَلَآ إِنَّهُمۡ هُمُ ٱلۡمُفۡسِدُونَ وَلَٰكِن لَّا يَشۡعُرُونَ

12. Walang alinlangan, sila ang mapaggawa ng katiwalian, nguni’t [ito ay] hindi nila namamalayan [sa kanilang mga sarili].


Al-Baqarah | Qur'an 2:12


Para bagang sinasabi nila na "Huwag kang manghusga " Mabuti kami. Ang paalala ay paalala kaya huwag mangatwiran.


Comments

Popular posts from this blog

How to read arabik letters

May isang lobo na nasa gitna ng kamatayan

Ang kahalagahan ng limang obligadong pagdarasal