Kung anong ginawa mo ay gagawin din sayo

 KUNG ANO ANG GINAWA MO AY GAGAWIN DIN SAYO


• Sinuman ang magtakip sa kamalian ng kapatid niyang Muslim ay pagtatakpan din siya ni Allâh.


• Sinuman ang magpagaan sa kagalayan ng isang nahihirapan ay pagagaanin din ni Allâh ang kalagayan niya sa mundong ito at sa kabilang-buhay.


• Sinuman ang mag-alis ng kapighatian ng isang mananampalataya mula sa mga kapighatian ng mundong ito ay aalisin din ni Allâh ang kapighatian niya sa mga kapighatian ng Araw ng Pagbabangong muli.


------------------------------------


• Sinuman ang magbantay sa mga kapintasan ng kanyang kapatid na Muslim ay babantayan din ni Allâh ang mga kapintasan niya.


• Sinuman ang puminsala ng kapatid niyang Muslim ay pipinsalain din siya ni Allâh.


• Sinumang magpahirap ay pahihirapan din siya ni Allâh.


• Sinumang bumigo sa kapatid niyang Muslim sa kalagayan na dapat sana ay tinulungan niya ito ay bibiguin din siya ni Allâh sa kalagayan na nangangailangan siya ng tulong mula sa kanyang kapatid.


• Ang mga maaawain ay kaaawaan sila ni Ar-Rahman. At katotohanang kinaaawaan ni Allâh mula sa mga alipin Niya ay yaong mga maaawain.


✏️ IMAM IBNUL QAYYIM RAHIMAHULLÂH

Comments

Popular posts from this blog

How to read arabik letters

May isang lobo na nasa gitna ng kamatayan

Ang kahalagahan ng limang obligadong pagdarasal